t stuff that 'iloveyou' can't say
Wednesday, March 07, 2007
tatlumpu't siyam. mga labi at aking agam-agam
your lips. ewan ko nga ba kung bakit yan ang unang pumasok sa isip ko ng aking hinarap ang blangkong papel at dinampot ang panulat.

minsan kapag nagkukuwento ka, tinititigan ko sila. pinagmamasdan ko ang kanilang sayaw ang ang pagkubli nila ng iyong mga mailiit na ngipin (na ang isa'y ninakawan ng bahagya ng isang aksidente). i happen to find that adorably sexy, by the way.

bigla ko tuloy inabot ang telepono ko, upang pag-aralang muli ang pag-unat at pagyuko ng iyong mga labi sa pagbuo ng isang ngiti. ang hirap mangulila.

ngayon pa't malamig. kailangan ko ang iyong mga labi upang balutin ako ng...

...init ng iyong musika. naalala ko ang mga gabi sa munti nating lungga, ang bawat titik at letrang iyong kinakanta ay parang kumot na kendi'ng yumayakap sa 'kin. at syempre, kelangan ko ang iyong mga labi para yapusin ako ng nag-aalab mong mga halik. palalampasin ko ba naman yan?

ewan ko nga ba't bigla akong na-obsess sa mga labi mo.

siguro dahil matagal ng hindi dumadampi ang aking sariling mga labi sa yo. naiisip ko how sexy they look and what they can do. andami ko ng nakitang kaya nilang gawin (favorite ko yung dalawa). gusto kong makita lahat.

o baka naman dahil miss ko na ang boses mo. kahit pa araw-araw kitang nakakausap, syempre iba pa rin yung dumadaloy sa kaluluwa ko yung tinig mo. hinahanap ko na yung mga singsong na "good morning lovelove, iloveyouiloveyou, mwaiksmoochlurpngah, wootwoot, hows your day hows your day, daw awat ka bala louiebelle, afawafaw at ang araw-araw na howmanurah". namimiss ko rin yung mga kwentuhan nating kadalasang walang kabuluhan, pero naman, kapag nagseryoso na, napapanganga na lang ako sa pagliyad at paglayag ng iyong imahinasyon. which reminds me, meron ka pang isang bedtime story na hindi pa tinatapos. pano naman kasi nagbabago ang plot ng bedtime stories natin. hindi ko minsan namamalayan, past10pm na pala. poke!

pwede ring dahil gusto ko nang hingahin lahat ng hanging nilalabas mo. dahil gustong-gusto ko na maging parte ka ng ako. madalas kapag ipinaghehele ng mga kamay ko ang ulo mo, at kapag pinipinta ng mga daliri ko ang mukha mo, humihinga ako ng malalim. i want to take all of you in. (parang ang psycho ko na) pero alam ko naiintindihan mo naman ako eh. dahil pareho naman ang kapasidad ng mga puso nating umunawa at magmahal. ikaw ay ako, ako ay ikaw.

o baka naman dahil matagal ko ng hinahanap ang pag-ulan ng iyong halik. kung naibebenta ang halik, siguro mayamang mayaman ka na... at ipinangungutang ko na ang pambili ko ng mga halik mo. di bale, iniisip ko na malapit na rin naman. tatlumpu't siyam ngayon. pasasaan din ba't hahalikan mo na din ako sa harap ng ating mga dearly beloveds (if you wish--- haha naaalala mo to?). ang hirap maghintay. buti na lang pinagagaan mo ang araw-araw.

ah, alam ko na kung bakit.

dahil lahat ng lumalabas diyan sa iyong mga labi.. puro matatamis. (at adik ako sa sweets.)

-----

pahalik naman o.
 
posted by lei at 6:47 AM | Permalink |


1 Comments:


  • At 9:06 AM, Blogger Ziggy

    wha! the first tagalog entry in this year old blog.

    we are a strange couple. i am reminded of the poem "a poem they will not understand". and i can't believe how much we are into each other. but wait:

    sasali na rin ako sa balagtasan mo. na miss ko na rin ang mga labi mo. kasi masarap ekiss. masarap pa sa baboy. i mean yung niluto na baboy na taba na parang mga labi mo. no no no i mean yung texture. yung parang skin ng baboy. pero masarap pa dyan yung lips mo. example lang yun. argh! hayaan mo na nga yang baboy. love :( i mean that's the closest thing i have na parang lips mo. kaya kumakain na ko ng adobo ngayon eh. grah! crazy crazy people.

    i miss writing you letters. gusto ko lang magcomment ng mahabang mahaba kaya lang naiinsecure ka na na baka may iba akong kausap kasi di kita kinakausap sa ym. adik ka man love.

    mwaiksmoochslurpngah!